Mga nakaw na sandali

Mga nakaw na sandali

Mga nakaw na sandali
Ito ang mga bagay na aking tinatago tago
Ngunit bakit pilit hinahanap hanap
Na kahit kailan man hindi ka naging akin

Ayokong aminin sa iba
Ayokong sabihin sayo lalo
Sa tuwing ika’y katabi
Parang ayoko ng umalis sa tabi mo
Sana wag kang umalis sa tabi ko

Mga nakaw na sandaling bawal
Nagsasalita sa sarili na umalis kana
Ngunit hindi makagalaw
Ang bango at korte ng katawan
Pilit na pinagdarasal

Bakit sa tuwing naiibig
Naiibig sa may sabit
Ano bang meron ka at wala sa iba
At ako’y napapasunod sayo

Ngayon akoy nagsisisi
Kung bakit paba pinaglaruan sa una
At ngayon akoy napaglaruan ng panahon

Powered by Journey Diary.
Advertisements